Kinondena ni Quezon City Councilor Alfred Vargas ang napabalitang pambabastos kay First Lady Liza Araneta-Marcos ni dating Biliran Representative Glenn Chong.
Nangyari ang pahayag ni Chong na sasampalin niya ang Unang Ginag sa isang pagtitipon ng maga tagasuporta ni Pastor Apollo Quiboloy.
Sinabi ni Varags ang insidente ay pagpapakita ng maling pagturing sa mga kababaihan.
“Respeto ang dapat nating ipinapakita sa mga kababaihan. Lahat tayo ay may nanay, at marami sa atin ang may asawa, at mga kapatid at anak na babae. Ang ating First Lady ay isang ina at maybahay. Papayag ba tayong gawin sa sarili nating nanay at asawa ang ganito klase ng pambabastos?,” pahayag ni Vargas.
Dagdag pa ng konsehal na nakakalungkot na ang pagbabanta ay nangyari habang ginugunita sa bansa ang Women’s Month.
Diin nito ang mga lingkod-bayan ay dapat na magsilbing magandang ehemplo sa mamamayan.
Kasabay nito, sinuportahan ni Vargas ang panawagan ng ilang mambabatas na dapat ay mag-“public apology” si Chong.
“Si First Lady Liza Marcos ay marangal na babae. She is dignified. Isa siyang respetadong abogada at propesor sa batas. At siya ang Unang Ginang at ina ng ating bansa. She does not deserve the vicious words we heard thrown against her,” sabi pa nito.
Diin pa rin niya na ang pang-iinsulto ay insulto din sa mga napagtagumpayan ng maraming Filipina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.