Term extension sa Cha-cha? Mahiya naman kayo! – Imee

By Jan Escosio March 15, 2024 - 02:55 PM

Tamaan naman daw ng hiya sabi ni Sen. Imee Marcos ang mga nais mapalawig ang termino sa pamamagitan ng Charter change. (FILE PHOTO)

Nakiusap na si Senator Imee Marcos sa mga nagsusulong ng pag-amyenda sa 1987 Constitution para mapalawig ang termino ng mga kasalukuyang opisyal.

“Konting kahihiyan naman!” ang pakiusap ni Marcos.

Aniya wala dapat pakinabang o benepisyo ang mga opisyal at mambabatas sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Reaksyon na ito ni Marcos hinggil sa naging pahayag ni dating Pangulong Duterte na ang isinusulong na Charter-change ay para mapalawig ang termino ni Pangulong Marcos Jr.

Ang Kamara tiniyak na walang isisingit na “politcal amendments” sa pag-amyenda sa 1987 Constitution, partikular na sa termino ng mga halal na opisyal.

TAGS: Cha-Cha, term limit, Cha-Cha, term limit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.