Mainit na hangin papalit pagpasok ng Semana Santa

By Jan Escosio March 15, 2024 - 11:42 AM

Sa pagtatapos ng amihan papalit na ang panahon ng tag-init, ayon sa PAGASA. (JAN ESCOSIO PHOTO)

Patuloy ang paghina na ng nararamdamang malamig na panahon ngayon weekend, ayon sa  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Maaring sa Lunes ay magsisimula naman ng maramdaman ang mainit na hanging silangan mula sa Dagat Pasipiko.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Benison Estareja na patuloy na mananaig sa Hilagang Luzon ang amihan bukas hanggang sa araw ng Linggo.

Inaasahan na matatapos na ito pagpasok ng Semana Santa, na mas maaga kumpara noong nakaraang taon dahil sa nararanasang El Niño.

Ayon kay Estareja sa pagtatapos ng amihan ang pagpasok naman ng panahon na tag-init.

Samantala, sa susunod na 24 oras ay magiging maulap sa Batanes at Cagayan na may mahinang pag-ulan.

Mahinang ulan din ang maaring maranasan dahil sa amihan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.

 

TAGS: amihan, Pagasa, amihan, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.