Czech tutulong sa food security program ng Pilipinas

Czech Republic tutulong sa food security program ng Pilipinas. (FILE PHOTO)

Magtutungo sa Pilipinas si Czech Agriculture Minister Marek Výborný para makatulong sa mga programa ukol sa seguridad sa pagkain sa bansa.

Ang pagbisita ni Výborný  ay alinsunod sa nais ni Pangulong Marcos Jr., na mapalakas ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic ukol sa food security. Kasama din sa pagbisita, ayon kay Czech President Petr Pavel, ang delegasyon ng mga negosyante na maaring magka-interes na mamuhunan sa sektor ng agrikultura sa bansa at sa iba pang sektor. “Very soon our Minister of Agriculture shall visit the Philippines with a numerous delegation of our businessmen with specific, particular plans to offer,” ani Pavel. Dagdag pa niya: “We also have companies that are involved in defense industry, manufacturing, in farming and agriculture, science, technology, energy sector, power sector, many of these businesses do have a particular specific plans for the future cooperation with the Philippines come to part.” Inaasahan na makikipagpulong si Výborný kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel sa Marso 21 at kinabukasan ay magtutungo sila sa Davao. Tumutulong na ang  Czech Aid-for-Trade sa  National Dairy Authority’s (NDA) para mapalakas ang produksyon ng gatas sa Pilipinas.

Read more...