Kaso ng TB tumataas, DOH nababahala

By Jan Escosio March 15, 2024 - 09:38 AM

DOH nababahala sa pagdami ng kaso ng tuberculosis. (FILE PHOTO)

Nagbabala si Health Secretary Teodoro Herbosa sa pagtaas ng kaso ng tuberculosis (TB) sa bansa.

Bunga, ayon kay Herbosa, gumawa na sila ng mga hakbang katulad sa kasagsagan ng pandemya dulot ng Covid 19.

“We started on an active case finding methodology so when you look for something, you will find more, we went out looking for active cases, if they have symptoms we’ve to take their X-ray and we do a GeneXpert test so we found more,” ani Herbosa.

Sa kabila nito, kumpiyansa ang kalihim na mapipigilan ang pagkalat ng sakit at ang pagpapagaling sa mga pasyente.

Hanggang noong nakaraang Disyembre 31, nakapagtala ng 612,534 bago at relapse TB cases.

Nagpapakita ito ng  case notification rate (CNR) na 549 kaso kada 100,000 Filipino.

Noong 2023, may 10,426 ang sinasabing namatay dahil sa naturang sakit.

 

 

TAGS: doh, TB, doh, TB

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.