Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ang pananatili ng kapayapaan sa West Philippine Sea (WPS) ang pag-uusapan sa pagbabalik sa bansa ni US Secretary of State Antony Blinken sa susunod n linggo.
Kasabay nito ang pagkumpirma ngayon umaga ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagbisita muli ni Blinken sa Pilipinas kasunod ng trade mission na pinangunahan ni U.S. Commerce Sec. Gina Raimondo.
“It is really an ongoing process and that all of these discussions are really, as far as the Philippines is concerned, it is concerned with the maintenance of peace and South China Sea,” sabi ni Marcos sa panayam sa kanya sa Prague, Czech Republic.
“With an eye not to winning any kind of conflict but really just to maintain the peace and to continue to defend sovereignty and sovereign rights of the Philippines when it comes to these international differences,” dagdag pa niya.
Iginiit ni Marcos na mahalaga ang isyu sa South China Sea dahil malaking bahagi ng kalakalan sa buong mundo ang dumadaan sa naturang rehiyon.
“A safe navigation and passage of the South China Sea is important to international trade, as goes to 60 percent of international trade goes through that channel and we hope to continue these discussions,” he said.