34,000 pulis magbabantay sa Semana Santa, summer vacation

By Jan Escosio March 14, 2024 - 03:04 PM

Pangunahing babantayan ngayon ang mga lansangan.(FILE PHOTO)

Magpapakalat ang pambansang-pulisya ng 34,000 pulis para magbantay sa Semana Santa hanggang sa “summer vacation.”

Ayon kay PNP spokesperson, Col. Jean Fernando ang hakbangin ay bahagi ng “Oplan Ligtas Sumvac 2024.”

Kinakailangan aniya na ikasa na ng regional commanders at police commanders ang kanilang contigency plans para sa ligtas at maayos na bakasyon sa bansa.

Kinakailangan lamang din, sabi pa ni Fajardo, na may koordinasyon sa pulisya sa mga lokal na pamahalaan at iba pang kinauukulang ahensiya.

Prayoridad sa mga babantayan ay ang mga pampublikong lugar, pangunahing lansangan, transportation hubs, terminals, simbahan at iba pa.

Magtatalaga din ng Police Assistance Desks and Assistance Hubs na pagtatalagaan ng mga pulis.

TAGS: PNP, SUMVAC, PNP, SUMVAC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.