Pagbibigay ng amnestiya sa mga dating rebelde ok sa Senado

May 3,000 dating NPA rebels, ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, ang sasakupin ng amnesty program ng administrasyong-Marcos Jr.(SENATE PRIB PHOTO)

Dalawamput tatlong senador ang pumabor sa amnesty program ng administrasyong-Marcos Jr., sa mga dating rebelde.

Nakapaloob ang amnesty grant sa Proclamation No. 404, na mapapakinabangan ng 3,000 dating miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ibibigay ang amnestiya sa mga dating rebelde na nakagawa ng krimen o paglabag sa Revised Penal Code at Special Penal Laws base sa kanilang paniniwalang-pulitikal.

Kabilang na ang rebelyon, sedisyon, illegal assembly, direct and indirect assault, illegal possession of fireams and explosives at iba pa.

Hindi lamang sakop ng amnesty grant ang mga paglabag sa Human Security Act at Anti-Terrorism Law.

Nilinaw naman ni Sen. Jinggoy Estrada, ang namumuno sa Senate Committee on Defense, na ang pagbibigay ng amnestiya ay dadaan sa proseso ng National Amnesty Commission at ng Local Amnesty Boards katuwan na rin ang pambansang-pulisya, hukbong sandatahan at NBI.

Read more...