PBBM binuweltahan si Digong sa “pasyal-pasyal” statement
Pinabulaanan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sinabi ni dating Pangulong Duterte na “pasyal-pasyal” lang ang ginagawa ng nito sa mga pagbiyahe sa labas ng bansa.
Sinabi ni Marcos na siksik na siksik ang kanyang mga iskedyul kapag nasa ibang bansa dahil sa “official functions” kaya ng pagharap sa mga opisyal ng gobyerno at business leaders.
“Where’s the pasyal? Wala, you know, kasama kayo dyan, kasama niyo kami. We don’t make pasyal. Even in the places that I know where I have spent a lot of time with, hindi ko na napupuntahan ‘yung mga dati kong pinupuntahan,” sabi nito.
Sa kanyang katatapos na biyahe sa Germany, nakapagselyo si Marcos ng P220 bilyong halaga ng pamumuhunan.
Bago ito, P86 bilyon halaga ng pamumuhunan sa Pilipinas ang nakuha ni Marcos sa biyahe niya sa Australia noong nakaraang linggo.
Base sa imporasyon mula sa Department of Trade and Investment, nagbunga ang mga pagbiyahe ni Marcos sa ibang bansa ng $72.2 bilyong halaga ng investments sa 148 proyekyto.
Ginawa ni Duterte ang pagpuna sa dinaluhang prayer rally para kay Pastor Apollo Quiboloy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.