PCSO nilinaw pagkapanalo ng 20 ulit ng isang mananaya

(FILE PHOTO)

Binigyang linaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pahayag ni Senator Raffy Tulfo ukol sa ilang ulit na pagkakapanalo sa lotto ng isang mananaya.

Sa inilabas na pahayag ng PCSO ang listahan kung saan hinugot ang ibinahagi ni Tulfo ay nagmula sa ahensiya.

Ayon sa ahensiya, kung nasuri lang mabuti ang listahan, malalaman na walang mananaya na nanalo ng higit isang beses sa Lotto 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55, at Ultra 6/58.

Sinabi din na ang indibiduwal na sinabing 20 ulit nanalo ay hindi ang tunay na “winner” sa Digit Games.

Nabatid na ang PCSO lotto agents o representatives ay maaring kumuha ng premyo sa 2D, 3D, 4D, and 6D games

“Since they were just minor prizes, a winner can ask someone he trusts to claim the prize for him through the so-called “paki -claim”. Some of the reasons for “paki-claim” scheme was due to distance and lack of valid identification cards of winners,” paglilinaw pa ng PCSO.

Idinagdag din na” Since prizes of P10,000 and up must be claimed at the branch offices where they will be required to present a valid ID. Also, some winners would not want to go to branch office because of added expenses, so the lotto agents would act as Good Samaritans and do it for them.”

Samantala, ang jackpot winners sa lotto games ay kinakailangan na personal na magtungo sa PCSO Main Office para makuha ang kanilang premyo.

“Certainly, our lotto winners’ safety, security, and well-being are paramount in all our endeavors. Rest assured that we remain dedicated and committed to fostering a gaming environment that upholds fairness and ensures the integrity of every single draw,” ayon pa sa PCSO.

Read more...