Pinangunahan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pagsalakay ng ibat-ibang ahensiya sa isang Philippine Offshore Gaming operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac kaninang madaling araw.
Kaninang hapon, base sa inilabas na paunang impormasyon, 875 Filipino at banyaga ang nailigtas.
Pinaniniwalaan na ang mga ito ay biktima ng human trafficking at ilan sa kanila ay nakaranas din ng pananakit.
Isinilbi ala-1:30 ng madaling araw sa opisina ng Zun Yuan Technology Inc., ang dalawang search warrants na inisyu ng Malolos, Bulacan Regional Trial Court Branch 81.
Sinabi ni PAOCC Usec. Gilbert Cruz nag-ugat ang operasyon nang isang Vietnamese national noong Pebrero 28 at isinumbong ang mga ilegal na aktibidad.
Isang Malaysian national ang nagsumbong din sa PAOCC.
Aniya kabuuang 371 Filipino, 432 Chinese, 57 Vietnamese, walong Malaysian, tatlong Taiwanese, dalawang Indonesian at dalawang Rwandans ang nailigtas.
Pinaniniwalaan na sangkot ang POGO sa “love scam” at “crypto currency scam” base sa mga narekober na dokumento.
Bukod dito, ilang piraso din ng mga baril ang kanilang nadiskubre sa ilang kuwarto ng gusali.