Muling natupad ng Kamara ang target na maipasa sa ikalawang pagbasa ang Resolution of Both Houses Number 6, na ang layon ay maamyendahan ang ilang probisyon ng Saligang Batas.
Inaprubahan ito sa pamamagitan ng “voice voting” ng mga mambabatas.
Sa ilalim ng RBH 7, may mga nais na pagbabago sa Article 12, Article 14 at Article 16 sa 1987 Constitution.
Kinopya ang resolusyon sa Resolution of Both Houses No. 6 na inihain naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa Senado alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Marcos Jr.
Inaasahan na sa huling linggo ng sesyon bago ang “Holy Week break” ng Kongreso ay maipapasa na sa Kamara sa ikatlong pagbasa ang resolusyon.
MOST READ
LATEST STORIES