Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mapapalakas at mapapagtibay pa ang ugnayan ng Pilipinas at Germany.
Sinabi ito ni Marcos matapos makipagpulong kay German Chancellor Olaf Scholz Federal Chancellery sa Berlin, Germany.
“I eagerly anticipate the continuation of our strong partnership for another 70 years or more. With confidence, I believe we can deepen our relationship and collaborate for the mutual prosperity of both our countries.” ani Marcos.
Ipinagmalaki nito ang mga ginagawang hakbang ng kanyang administrasyon para sa ugnayang pang-ekonomiya sa Germany.
Aniya interesado ang Pilipinas na mapatatag ang kooperasyon ng dalawang bansa sa manufacturing; construction and infrastructure; information technology and business process management; innovation and startups; at renewable energy and minerals processing.
Nabanggit din niya ang mga reporma na nagbibigay daan para sa foreign ownership sa railways, airports, expressways, telecommunications, at renewable energy.