Tulfo duda sa pagkapanalo ng 20 ulit sa isang buwan ng lotto player
Kuwestiyonable para kaya Senator Raffy Tulfo ang pagkakapanalo ng isang lotto player ng 20 ulit sa loob ng isang buwan.
Ang ganitong pangyayaring, sabi pa ng senador, ang isa lamang sa mga dahilan kayat nagdududa na rin ang publiko sa lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang isyu ang sumunod sa napaulat na “minor glitch” sa three-digit game draw noong nakaraang Pebrero 27.
Agad naman naglabas ng pahayag si PCSO Gen. Manager Mel Robles na ang pangyayari ay hindi ang una sa Pilipinas at nagaganap din sa ibang bansa.
Pagbabahagi ng nangunguna sa pag-iimbestiga ng Senate Committee on Games and Amusement sa mga isyu sa lotto, na base sa mga isinumiteng dokumento ng PCSO maaring may mga basehan ang pagdududa sa lotto games at lotto winners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.