Nanghikayat ng mga German investors si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na patuloy na mamuhunan sa bansa.
Sa pagharap niya sa Philippine-German Business Forum sa Berlin, Germany, tiniyak ni Marcos na patuloy na maaasahan ang Pilipinas.
Binanggit niya ang mga reporma sa pamamagitan ng Kongreso na nagtulak sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa tulad ng Public Service Act, Foreign Investments Act, Retail Trade and Liberalization Act, at Renewable Energy Act.
“I invite esteemed German business leaders to continue to keep in mind the Philippines as a reliable partner that can support your market expansion and operations. We remain steadfast in our commitment to purposeful reforms, evident in key legislative amendments,” aniya.
Dagdag pa niya: “Coupled with streamlined business registration, infrastructure development, and the Comprehensive Tax Reform Program, the CREATE Act, these reforms position the Philippines as one of the fastest-growing economies in Asia.”
Sinabi din ni Marcos ang Maharlika Investment Fund, na aniya ay patunay na prayoridad sa PIlipinas ang mga proyekto para sa kaunlaran.
Kasabay nito ang kanyang pasasalamat sa Germany dahil sa kumpiyansa sa Pilipinas bilang “partner” sa Asia-Pacific at sa ASEAN region.
“We are grateful for the interest of German companies to support the Philippines’ commitment to sustainability and climate resiliency through the renewable energy investments that we received and were accounted as the top sector from Germany in 2023,” sabi pa nito.