Nagsilbing saksi si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa pagpirma sa implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 11962 o ang Trabaho Law.
Magugunita na si Villanueva ang pangunahing awtor at nag-sponsor ng panukalang batas sa Senado hanggang sa maging ganap na batas noong nakaraang Setyembre.
Layon ng batas na masolusyunan ang mga isyu sa unemployment, maging sa underemployment sa sektor ng paggawa sa bansa sa pamamagitan ng isang masterplan.
Sa naturang plano ay pag-iisahin ang mga hakbangin at programa ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno ukol sa trabaho.
Pumirma sa IRR sina Economic Sec. Arsenio Balisacan at Labor Sec. Bienvenido Laguesma at iba pang mga opisyal ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan.
MOST READ
LATEST STORIES