Agricultural group tiwala kay Sec. Ralph Recto sa DOF
Kumpiyansa ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa kakayahan ni Finance Secretary Ralph Recto kayat suportado nila ang kumpirmasyon sa Commission on Appointments (CA).
Ayon sa SINAG taglay ni Recto ang karunungan at kahusayan hindi lamang sa usapin sa ekonomiya kundi maging sa pananalapi.
Bukod pa dito anila ay malalim din ang nalalaman nito ukol sa agrikultura.
Subok na nila aniya si Recto dahil sa malapit na relasyon nito sa local producers simula nang mahalal bilang kinatawan sa Kamara ng ika-apat na distrito ng Batangas noong 1996 hanggang sa makapagsilbi bilang senador noong 2001 hanggang 2007 at 2010 hanggang 2022.
Malaki din ang naitulong ng kalihim sa pagsusulong ng Rice Tarrification Law, kasama na ang pagbubunyag sa isyu ng agricultural smuggling at iba pang mga ilegal na gawain na lubhang nakakaapekto sa sektor.
Naniniwala din sila na masosolusyunan ni Recto ang mga isyu sa Bureau of Customs (BOC) lalo na sa mga modus hinggil sa importasyon ng mga produktong agrikultural na nakakabawas sa kita ng gobyerno.
Ikinasiya din ng SINAG ang pagsuporta ng kalihim sa pagtatayo ng kauna-unahan sa Pilipinas na Cold Examination Facility in Agriculture (CEFA) sa Angat, Bulacan at ito ay para sa pagsusuri ng lahat ng imported agricultural commodities.
“CEFA is crucial in our efforts in strengthening our first border inspections capabilities that will lessen, if not totally eradicate agricultural smuggling,” ang pahayag pa ng SINAG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.