Tatlong motorcycle taxi companies pasok sa LTFRB pilot study
Nalimitahan sa tatlong kompaniya ng motorcycle taxis ang kabilang sa pilot study na isasagawa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay LTFRB Executive Dir. Roberto Peig tanging ang Angkas, JoyRide at Move It lamang ang makakalahok sa pilot study, na isasagawa ng nabuong technical working group (TWG).
Una nang umapila ang ilang transport groups sa LTFRB na huwag nang tumanggap ng aplikasyon para magkaroon ng akreditasyon ang iba pang nagbabalak na mag-operate ng motorcycle taxis sa bansa sa katuwiran na mas liliit ang kanilang kita.
Ayon sa National Public Transport Coalition at National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP), dapat tapusin muna ng LTFRB ang pag-aaral bago tumanggap ng aplikasyon.
Ayon kay NACTODAP president Ariel Lim, dagok kasi sa kita ng mga miyembro ang dagdag players sa industriya.
Isa pa aniyang problema ay ang dumadaming colorum na habal-habal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.