Bahagi ang pagbibigay ng parangal nang paggunita kay dating Pangulong Manuel L. Quezon.
Ipinagkakaloob ang parangal sa mga indibiduwal na nagpakita ng kahusayan at nagbahagi ng kaalaman sa Public Service, Health and Science, Humanities and Philanthropy, Agriculture, Environment, Education, Sports, at Culture, Music, and the Arts.
.Nahahati sa dalawang kategorya ang nasabing parangal, ang Quezon Gintong Medalya ng Karangalan Life Achievement Award ay iginagawad sa Quezonian na nagpamalas ng katangi-tanging husay na kinikilala sa kanilang larangan sa nasyonal at pandaigdigang dahil sa mahalagang kontribusyon nito.
Samantala, ang Quezon Medalya ng Karangalan Special Achievement Award ay iginagawad naman sa mga Quezonian na nagpamalas ng katangi-tanging kontribusyon na kinikilala sa lokal at panlalawigan sa kanilang larangan.
Sa opisyal na pagbabalik nito, bukas na rin ang nominasyon sa bawat kategorya para sa mga kawalipikadong Quezonian.
Nakatakda namang magtapos ang nominasyon para sa darating na Mayo 31 at para sa mga katanungan at impormasyon, makipag-ugnayan sa pamamagitan ng Facebook Page ng Quezon Provincial Tourism Office.