Plano ng pamahalaan sa charter change inilatag na ng Malacañang

By Chona Yu July 04, 2016 - 04:08 PM

malacanang-fb-07234
Inquirer file photo

Constitutional convention (Concon) at hindi consitutent assembly ang nais ng Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maisulong na ang charter change sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nais kasi ng pangulo na magkaroon ng mas maraming representasyon ang taong bayan sa cha-cha.

Dagdag ni Abella, malinaw ang plataporma ng pangulo na mabago ang porma ng kasalukuyang porma ng gobyerno sa federalism.

Inihayag pa ng kalihim na gusto ni Duterte na makonsulta ang mas maraming sektor ng lipunan hingil sa planong pagpapalit ng porma ng pamahalaan.

Nauna na ring sinabi ng pangulo na panahon na para tapusin ang Imperial Manila mentality at ikalat sa iba’t ibang mga lalawigan ang resources ng bansa.

Matatandaang naging battlecry na rin ng pangulo ang pederalismo noong panahon ng kampanya.

TAGS: abella, chacha, conass, concon, Malakanyang, abella, chacha, conass, concon, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.