NDRRMC: Pinsala ng El Niño higit P1.2-B sa agrikultura na!
Habang patuloy na nararamdaman sa ibat-ibang dako ng bansa, patuloy din ang pagtaas ng halaga sa sektor ng agrikultura ng El Niño.
Ito ang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang pinakamatinding naapektuhan ay ang Western Visayas sa halagang P678.7 milyon.
Sumunod sa Mimaropa sa halagangP319.7 milyon, P180.4 milyon naman sa Cagayan Valley Region, sa Ilocos Region ay P54.4 milyon, kasunod ang P2.75 milyon sa Calabarazon ar P717,527 naman sa Zamboanga Peninsula.
Sa inilabas na situation report ng ahensiya, 29, 409 magsasaka at mangingisda na ang apektado at ang napinsalang taniman ay umaabot na sa 26,731 ektarya.
A total of 29,409 farmers and fisherfolk have been affected while the affected crop area has reached a total of 26,731.4 hectares.
Sa apektadong taniman, 11,276 ektarya ang hindi na mapapakinabangan ang mga tanim at ang natitirang 15,455 ektarya ay maari pang maisalba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.