De Lima maghahain ng mosyon sa pagbasura ng natitirang drug case

Hihilingin ni dating Sen. Leila de Lima sa korte na ibasura na ang natitirang drug case. (FILE PHOTO)

Nakatakdang maghain ng mosyon si dating Senator Leila de Lima para mabasura na ng korte ang kinahaharap na huling drug case.

Kanina ay dumalo pa sa paglilitis si de Lima sa  Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206.

Huling nagkaroon ng pagdinig sa kaso noon pang Pebrero 2017.

Kasong conspiracy to commit illegal drug trading ang kinahaharap ni de Lima at kapwa akusado niya sina  Bureau of Corrections (BuCor) Chief Franklin Jesus Bucayu, Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Jose Adrian Dera.

Ayon kay Atty. Boni Tacardon, abogado de Lima, plano nila na maghain ng  demurrer to evidence para mabasura na ang kaso.

Una nang napawalang-sala si de Lima noong 2021 at 2023 sa illegal drug trading sa loob ng pambansang piitan.

 

Read more...