El Nino contigency measures hinahanap ni Gatchalian sa DOE
Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) na bumuo na ng contigency plan para matiyak na walang aberya sa suplay ng kuryente ngayon ramdam na ramdam na ang El Niño phenomenon.
Katuwiran niya ang epekto ng El Niño ay magiging isang malaking problema sa suplay ng kuryente maging sa seguridad sa pagkain.
Binanggit din ng vice chairman ng Senate Committee on Energy na may ilan ng hydro power plants ang bumaba na ang antas ng tubig at posible na magresulta ito sa pagbawas sa isinusuplay nilang kuryente.
Ngayon papasok na ang panahon ng tag-init, dapat lamang sabi pa ni Gatchalian na tiyakin ng DOE na maaasahan ang mga planta ng kuryente.
Kadalasan aniya ay bumabagsak ang mga planta tuwing tag-init dahil sa mataas na pangangailangan sa kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.