P900 Million halaga ng droga nasabat ng PNP at PDEA sa Cagayan

By Jan Escosio July 04, 2016 - 02:46 PM

Dela rosa drugs
Photo: Jan Escosio

Tinatayang aabot sa halos P1 Billion na halaga ng shabu ang narekober ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang pagsalakay sa lalawigan ng Cagayan.

Iniharap sa mga miyembro ng media nina PNP Chief Ronald Dela Rosa at PDEA Director General Isidro Lapeña ang nasabing illegal drugs na umaabot sa 300 kilos.

Base sa inisyal na imporasyon, ang nasabing mga shabu na nakalagay pa sa mga plastic bag na may tatak na “Lea D” ay narekober sa isang beach resort sa Barangay Cuilao sa bayan Claveria, Cagayan.

Nabatid na isang tipster ang tumawag sa PNP at ibinigay ang mga impormasyon kaugnay sa nasabing droga.

Sinabi ni Dela Rosa na kaagad na susuriin ng mga tauhan ng PNP Crime Laboratory ang mga nasabat na iligal na droga at kapag may go signal na mula sa korte ay kaagad nilang sisirain ang mag ito para hindi na ma-recycle pa.

Umapela rin ang pamunuan ng PNP at PDEA sa publiko na makipagtulungan sa pamahalaan kaugnay sa inilunsad na mga operasyon laban sa mga nasa likod ng illegal drugs sa bansa.

TAGS: AIDG, claveria cagayan, PDEA, PNP, shabu, AIDG, claveria cagayan, PDEA, PNP, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.