Online appearance ni Quiboloy sa Senate hearing ikinukunsidera

By Jan Escosio March 08, 2024 - 04:02 PM

Makakabuti, ayon kay Deputy Majority Leader JV Ejercito, na humarap sa pagdinig si Pastor Apollo Quiboloy. (OSJVE PHOTO)

Pinag-aaralan ang posibilidad na payagan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy na maging “online” na lamang ang pagharap sa pagdinig ng Senado sa mga alegasyon ng pang-aabuso laban sa kanya.

Ibinahagi ito ni Deputy Majority Leader JV Ejercito at nagkaroon na ng paunang pag-uusap sina ni Sen. Risa Hontiveros, ang namumuno sa nag-iimbestigang Senate Committee on Women and Children.

Ang “online appearance” ni Quiboloy, dagdag pa ni Ejercito ay suhestiyon ni Sen. Nancy Binay.

Sinabi pa ng senador na bukas si Hontiveros sa suhestiyon at ang kanyang kondisyon ay kilalanin ni Quiboloy ang pinamumunuan niyang komite.

Paliwanag ni Ejercito, isinalang-alang ang kaligtasan ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms na magsisilbi ng arrest warrant kay Quiboloy sa Davao City.

Naniniwala si Ejercito na makakabuti na rin para kay Quiboloy na sagutin ang mga alegasyon sa kabila nang napipintong pagsasampa ng Department of Justice (DOJ) ng mga kaso laban sa kanya.

 

TAGS: Apollo Quiboloy, online, Apollo Quiboloy, online

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.