Senate probe sa pagbebenta ng bigas ng NFA pangungunahan ni Villar
Kahit nasa “Holy Week break” ang Kongreso, handa ang Senado na magsagawa ng pagdinig ukol sa sinasabing maanomalyang pagbebenta ng National Food Authority (NFA) ng libo-libong sako ng bigas sa dalawang negosyante.
Ito ang sinabi ni Sen. Cynthia Villar at aniya ang pagdinig ay isasagawa ng pinamumunuan niyang Commitee on Agriculture at magiging katuwang niya ang Blue Ribbon Commitee.
Ibinahagi ni Villar na inaalam na lamang ang schedule ng mga miyembro ng dalawang komite para maitakda ang unang pagdinig.
Dagdag pa niya itutuloy ang pagdinig kahit sinuspindi na higit 100 opisyal at tauhan ng NFA dahil sa sinasabing anomalya.
Katuwiran ni Villar nasa batas na hindi na maaring mang-angkat ang NFA ng bigas at ang P9 bilyon na ibinibigay sa kanila kada taon ay pambili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.
Ito ay para naman sa mandato ng ahensiya na mag-imbak ng bigas bilang paghahanda sa mga kalamidad.
Inaasahan aniya niya sa pagdinig ang pagdalo ng mga testigo para ibahagi ang kanilang mga karanasan sa NFA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.