Tropical Storm Nepartak papasok sa bansa bukas; binabantayang LPA sa Sorsogon, nalusaw na

Photo from PAGASA
Photo from PAGASA

Lumakas pa ang bagyong may international name na “Nepartak” habang ito ay papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang Tropical Storm nepartak sa layong 1,855 km East ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers kada oras at may pagbugsong aabot sa 90 kilometers kada oras.

Bukas, July 5, ay inaasahang papasok ito ng bansa at papangalanang “Butchoy”.

Sa forecast ng PAGASA, bukas ng umaga ay nasa layong 1,655 kilometers East ng Infanta, Quezon ang bagyo.

Sa Miyerkules ng umaga ay lalapit ito sa bahagi ng Aparri, Cagayan at nasa 255 kilometers Northeast ng Itbayat, Batanes sa Huwebes.

Samantala, ang binabantayan namang Low Pressure Area (LPA) sa East ng Sorsogon City, sa Sorsogon ay tuluyan nang nalusaw.

 

Read more...