Economic reform laws ng Duterte-admin ipinakakasa ni Go

By Jan Escosio March 07, 2024 - 03:23 PM

May Cha-cha o wala may mga batas ng makakapagpa-unlad sa ekonomiya sabi ni Sen. Bong Go. (OFFICE OF SEN. BONG GO PHOTO)

Kailangan lamang ng ganap at maayos na maipatupad ang mga “economic reform laws” partikular na ang naisabatas noong administrasyong-Duterte.

Ito ang paniniwala ni Sen. Christopher Go at aniya magagawa ito maamyendahan man o hindi ang Saligang Batas.

“With or without amendments to the Constitution, we have so many laws, economic reform laws, that need to be implemented thoroughly so the country can be attractive to foreign investors,” sabi ni Go.

Binanggit niya ang Republic Act No. 11659, o ang Public Services Act na daan para sa 100% foreign ownership sa ilang sektor tulad ng  airports, railways, expressways at telekomunikasyon.

Gayundin ang  Foreign Investments Act of 1991 o RA 11647,  RA 11595 o ang ginawang pag-amyenda sa Retail Trade Liberalization Act of 2000 at RA 11032 o ang East of Doing Business Act of 2018.

Pagdidiin ni Go kung aamyendahan ang Saligang Batas dapat ang mga mamamayan, lalo na ang mga mahihirap na Filipino, ang makikinabang at hindi mga pulitiko.

TAGS: Cha-Cha, economic, Cha-Cha, economic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.