Sen. Lito Lapid kinilala ang kabayanihan ng mga bumbero

Si Sen. Lito Lapid sa Urban Fire Olympics na nilahukan ng mga barangay at negosyo sa Calamba City. (OSLL PHOTO)

“Kung may mga bayaning sundalo, Army, Air Force at mga pulis, meron din mga bayaning bumbero.”

Ito ang naging mensahe ni Sen. Lito Lapid  nang dumalo sa Urban Fire Olympics sa lungsod ng Calamba sa Laguna.

Isinagawa ang patimpalak kasabay nang paggunita ngayon buwan ng Fire Prevention Month. Naimbitahan siya nina Rep. Cha Hernandez at Mayor Ross Rizal.

Pinaalahanan din ng senador ang publiko na labis na mag-ingat para maiwasan ang sunog dahil sa idinudulot nitong pinsala sa ari-arian, kabuhayan at maging buhay.

“Mag-ingat po tayo mga kababayan sa sunog, lalo ngayong may El Nino dahil tiyak na ubos ang inyong mga ipinundar sa mahabang panahon,” sabi pa ni Lapid.

Dagdag paalala pa niya: Ingatan po natin ang ating pamilya na mabiktima ng sunog. Maging alerto at sumunod po tayo sa mga paalala ng Bureau of Fire Protection para sa kaligtasan ng lahat.”

Kasunod nito pinangunahan ni Lapid ang pamamahagi ng ayuda sa pamamagitan ng DSWD-Assistance in Crisis Situation (AICS) sa mga mahihirap na residente ng lunsgod.

 

Read more...