Kumakalat na pagkamatay ni ex-FL Imelda Marcos, fake news! – Malakanyang

By Jan Escosio March 07, 2024 - 06:14 AM

Kasalukuyang ginagamot sa isang hindi tinukoy na ospital si dating Unang GInang Imelda Marcos, ayon sa Malakanyang. (FILE PHOTO)

Walang katotohanan ang kumakalat na balita na namayapa na ang dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), pagkadating na pagkadating mula sa Australia ay dumiretso na sina Pangulong Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa ospital kung saan kasalukuyang ginagamot ang unang ginang.

“‘Fake news’ yung kumakalat na balitang wala na ang dating First Lady. Thank you!” ayon sa PCO ngayon umaga.

Nakabalik sa Pilipinas ang First Couple mula sa Australia dakong alas-11:34 kagabi. Dumalo si Pangulong Marcos sa ASEAN-Australia Special Summit.

Kumalat ang balita ng pagkamatay ng dating Unang Ginang ilang oras matapos lamang magbigay ng pahayag si Sen. Imee Marcos na nagdesisyon sila na dalhin sa ospital ang kanilang ina para lubos na mabantayan dahil sa pabalik-balik na lagnat at ubo.

Sa ngayon ay 94-anyos na ang dating Unang Ginang at noon lamang nakaraang taon ay sumailalim ito sa operasyon sa puso.

 

TAGS: fake news, Imelda Marcos, fake news, Imelda Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.