MMDA kikilos sa desisyon ng SC sa single-ticketing system sa MM
Maaring pang hulihin ng local traffic enforcers ang mga motorista na lalabag sa mga batas-trapiko sa kabila ng inilabas na desisyon ng Korte Suprema.
Sinabi ni acting Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes hindi pa “final and executory” ang desisyon ng Korte Suprema na kumilala sa kapangyarihan ng ahensiya na gumawa ng mga hakbang para solusyonan ang isyu sa trapiko sa Kalakhang Maynila.
“Sa ating mga kababayang motorista, kung kayo ay huhulihin ng mga local traffic enforcers, huwag kayong makipagtalo at i-argue na bawal na silang manghuli at mag-issue ng ticket dahil hindi pa ito final and executory,” sabi ni Artes.
Ngayon aniya maari nang magpasa ng lehislasyon ang MMDA sa pamamagitan ng Metro Manila Council, na binubuo ng 17 alkalde sa Kalakhang Maynila.
Amiya pag-uusapan pa sa MMC ang naging desisyon ng Kataastaasang Hukuman, gayundin ang paraan para sa pagpapatupad ng single-ticketing system sa traffic violations.
Idinagdag pa ni Artes na lubha nilang kailangan ang mga local traffic enforcers dahil kulang sila sa mga tauhan na magbabantay sa mga lansangan sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.