Economic Cha-cha resolution aprubado na sa House Committee of the Whole

By Jan Escosio March 06, 2024 - 08:33 PM

Inaprubahan na ng House Committee of the Whole ang resolusyon para sa economic Charter-change. (HREP PHOTO)

Sisimulan na sa darating na Lunes sa plenaryo ng Kamara ang mga debate sa mga nais na pag-amyenda   sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 matapos na maaprubahan ng Committee of the Whole.

Ito ang sinabi ni Deputy Majority Leader Neptali Gonzales II, na naitalagang majority leader ng komite at aniya target nila na maipasa sa ikalawang pagbasa ang resolusyon sa susunod na Miyerkules.

Naaprubahan ang naturang resolusyon matapos ang anim na deliberasyon ng komite.

Sinabi pa ni Gonzales na pagsusumikapan nila na maaprubahan ang mga panukalang pag-amyenda sa tatlong economic provisions ng 1987 Constitution bago ang “Holy Week break” ng Kongreso sa ikatlong linggo ng Marso.

Ang naturang resolusyon ay ang kopya ng RBH No. 6 na tinatalakay naman ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments, na pinamumunuan ni Sen. Sonny Angara.

Sinabi ng ilang senador, sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na hindi mamadaliin ang pagtalakay sa RBH No. 6 bagamat sang-ayon sila sa nais ni Pangulong Marcos Jr., na maisabay ang plebisito para sa economic Cha-Cha sa 2025 midterm elections.

.

TAGS: Cha-Cha, economic, Cha-Cha, economic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.