Pinsala sa agrikultura dahil sa El Niño higit P1-B na – NDRRMC

By Jan Escosio March 06, 2024 - 02:09 PM

Limang rehiyon na sa bansa ang lubos na nakakaramdam ng epekto ng El Niño, ayon sa NDRRMC. (FILE PHOTO)

Humigit na sa P1 bilyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng epekto ng El Niño, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa update mula sa ahensiya, apektado na ng El Niño ang 17,718 ektarya ng taniman sa  Ilocos, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Sa Western Visayas ang pinakamataas na halaga ng pinsala sa halagang P687.7 milyon, kasunod ang Mimaropa sa P319.7 milyon, Ilocos may P54.4 million, Calabarzon na may P2.75 milyon, at Zamboanga Peninsula na  may P717,527.

Kabuuang 23,086 magsasaka at mangingisda naman ang apektado.

 

TAGS: el nino phenomenon, ndrrmc, el nino phenomenon, ndrrmc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.