Water cannon incident sa Ayungin Shoal hindi dapat palagpasin – JV, Poe

By Jan Escosio March 06, 2024 - 06:06 AM

AFP modernization pinamamadali na ni Sen. JV Ejercito.(SENATE  PHOTO)

Pinalagan nina Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito at Senator Grace Poe ang muling paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal kahapon.

Ayon kay Ejercito sobra-sobra na ang pagiging agresibo ng China sa panghihimasok sa teritoryo ng ating bansa. Aniya sa huling insidente, ipinakita na ng China ang pagiging labis na desperado sa pag-angkin na pag-aari nila ang West Philippine Sea (WPS). Dagdag pa ni Ejercito na naninindigan pa rin ang Pilipinas sa mapayapang pagresolba sa isyu alinsunod sa mga pandaigdigang batas partikular na ang United Naton Convention on the Law of the Sea. Kasabay nito ang kanyang panawagan sa gobyerno na bilisan ang modernisasyon ng hukbong sandatahan ng bansa kasabay nang kanyang pagpupugay sa mga matatapang na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG). Hiniling naman ni Poe na matigil na ang paggamit ng water cannon sa mga sasakyang-pandagat ng Pilipinas. Diin ng senadora naninindigan ang bansa na legal ang resupply missions sa loob ng teritoryo ng bansa at hindi dapat ito pinipigil ng mga banyaga. Panawagan na lamang din niya na matuldukan na ang panggigipt  at pag-atake sa Philippine Coast Guard, gayundin sa mga Filipino sa pangkalahatan. Jan.Radyo

TAGS: BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, chinese, BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, chinese

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.