Mataas at Mababang Kapulungan, pinagko-convene bilang Con-Ass para sa pagtulak ng pederalismo

By Isa Avendaño-Umali July 04, 2016 - 11:38 AM

congress (1)Isang joint resolution ang inihain sa Mababang Kapulungan na nagtutulak sa Senado at Kamara na mag-convene bilang Constituent Assembly o Con-Ass para amyendahan ang umiiral na Konstitusyon at palitan ang kasalukuyang gobyerno patungo sa pederalismo.

Sa House Joint Resolution o HJR no. 2, na inihain ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez, iginiit na ang Con-Ass ay ang pinakamabilis pero pinakamatipid na paraan sa pagsusulong ng Federal form of government.

Ayon kay Benitez, sa Federal system, bubuo ng labing dalawang estado at magdadagdag ng share para sa local government units o LGUs mula sa pambansang pondo.

Nakasaad pa sa resolusyon na ang Kongreso ay magtatatag ng ‘Council of Elders’ na binubuo ng hindi bababa sa sampung miyembro na galing sa iba’t ibang sector gaya sa urban poor, business, academe, NGOs, former justice at iba pa.

Ang mga ito ang maglalatag ng mga rerebisahin at aamyendahan sa Saligang Batas, sa loob ng isang taon matapos mag-convene ang Con-Ass.

Binigyang-diin ni Benitez na napapanahon nang itulak ang Federal system sa bansa, upang ang governing powers ay hindi lamang limitado sa Metro Manila.

Tiniyak naman ni Benitez na ang kanyang panukala ay hindi layong i-promote ang political dynasty, kundi mabigyang garantiya ang pagsugpo sa red tape at kurapsyon.

 

TAGS: Rep. Albee Benitez files house Joint Resolution o HJR no. 2, Rep. Albee Benitez files house Joint Resolution o HJR no. 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.