“Loyalty check” ikinasa sa Senado, 13 senador suportado si SP Migz

By Jan Escosio March 04, 2024 - 09:36 PM

Labing-tatlong senador suportado si SP Migz Zubiri., (SENATE PHOTO)

Umikot ang isang resolusyon sa mga tanggapan ng mga senador para ipakita ang suporta kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

Hanggang ngayon gabi, 14 senador na ang pumirma sa “Statement of Support” para kay Zubiri.

Ito ay sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Majority Leader Joel Villanueva, Deputy Majority Leaders JV Ejercito at Mark Villar, Sens. Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Lito Lapid, Grace Poe, Nancy Binay, Raffy Tulfo, Francis Tolentino, Christopher Go at Bato dela Rosa.

Nakasaad sa pahayag na hindi pilit ang paghubog ni Zubiri sa Senado at ginagawa niya ito base sa kanyang karunungan.

Pinakikinggan din anila si Zubiri ang posisyon ng mga senador.

Pinagtibay din ng paninindigan ni Zubiri laban sa people’s initiative ang suporta ng mga senador.

Itinanggi din ni Angara na siya ang napipipili na papalit kay Zubiri sabay pag-amin na ang pahayag ay maituturing na rin na “loyalty check” sa mga nasa mayorya.

Samantala, sa bahagi ni Sen. Jinggoy Estrada, sinabi nito na wala siyang natanggap na anumang pahayag na nangangailangan ng pirma ng mga senador.

Isa din siya sa mga sinasabing ipapalit kay Zubiri ngunit ipinagdiinan ni Estrada na nakahanda siya na pumirma sa pahayag para patunayan na suportado din niya ang pamumuno ng kasalukuyang Senate president.

 

TAGS: coup, Senate, coup, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.