Coast Guard vessel magbabantay sa Philippine Rise, Northern Luzon

Sinimulan na ang  dalawang linggo na pagpapatrulya ng BRP Gabriela Silang sa Philippine Rise ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ipinadala ang naturang offshore patrol vessel sa Philippine Rise, na dating Benham Rise, base sa mga ulat na may Chinese research vessels sa lugar.

Pinaniniwalaan na mayaman sa langis, gas at iba pang maritime resources sa naturang lugar.

Sinabi ni Rear Adm. Armando Balilo magpapaturulya din ang BRP Gabriela Silang sa mga kalapit na karagatan na sakop pa ng teritoryo ng Pilipinas.

Ito aniya ay para sa pinaigting na pagbabantay sa karagatan ng Hilagang Luzon.

Read more...