WATCH: BPI branch sa Greenbelt, nasunog

Kuha ni Jomar Piquero
Kuha ni Jomar Piquero

Tinupok ng apoy ang branch ng Bank of the Philippine Islands sa Greenbelt Cinema na matatagpuan sa Greenbelt Square Complex, Paseo de Roxas Makati City.

Nagsimula ang sunog alas 9:11 ng umaga sa loob ng nasabing sangay ng BPI.

Alas 9:25 ng umaga nang itaas sa 1st alarm ang sunog.

Nahirapan ang mga bumbero na pumasok sa loob ng BPI dahil bagaman hindi malakas ang apoy ay napaka-kapal ng usok na lumalabas mula dito.

Inaalam pa ng Makati Bureau of Fire kung ano ang pinagmulan ng apoy at ang halaga ng pinsalang naidulot ng sunog.

 

Read more...