MIAA chief itinuro ang sarili sa isyu sa surot, daga sa NAIA

By Jan Escosio March 04, 2024 - 08:40 PM

Ibayong paglilinis sa NAIA Terminals ipinag-utos ni MIAA Chief Eric Ines (INQUIRER PHOTO)

Hindi na naisip pa ni acting Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines na maghanap ng masisisi sa isyu ng mga peste sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Inamin ni Ines na may mga pagkukulang sa sanitasyon at aniya wala ng ibang dapat sisihin kundi siya.

“Hindi na po ako magtuturo… Kasalanan ko po ito. Marami tayong dapat ayusin,” sabi ni Ines sa harap ng kanyang mga opisyal at tauhan.

Nanawagan na rin siya ng tulong sa pagsasabing hindi niya mahaharap ang isyu ng mag-isa.

Humingi siya ng paumanhin sa mga nakagat ng surot gayundin sa nakakita ng daga.

Ipinag-utos na din niya ang mabusising paglilinis sa mga gamit sa NAIA lalo na ang mga ginagamit ng mga pasahero.

 

TAGS: NAIA, pamatay-peste, NAIA, pamatay-peste

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.