Mapapailing na lamang ang mga konsyumer ng gasolina, samantalang makakahinga ng maluwag ang mga gumagamit ng diesel at kerosene.
Sa magkakahiwalay na abiso ng mga kompaniya ng langis, tataas ng P0.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina, samantalang mababawasan naman ng P0.40 ang diesel at P0.35 sa kerosene.
Epektibo ang paggalaw sa presyo ng mga produktong=petrolyo simula bukas, Marso 5.
Noong nakaraang linggo, nabawasan ng P0.95 ang halaga ng gasolina, P0.70 sa diesel at P1.10 naman sa kerosene.
Ang paggalaw ng mga presyo ay bunga ng mataas na imbentaryo sa Amerika at ang posibilidad ng ceasefire sa Gaza ceasefire.
MOST READ
LATEST STORIES