Bagong NCRPO Chief: Pulis-ABAKADA (Abusado, Bastos, Kotongero, Duwag) bawal sa PNP
Pormal nang nailipat kay Chief Superintendent Oscar Albayalde ang liderato ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula kay police director joel pagdilao sa isinagawang assumption of office ceremony sa camp bagong diwa taguig
Si Albayalde ay mistah ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa PMA Sinagtala Class of 1986.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Albayalde na kung nangako si Duterte na “Change is Coming,” ay sa Metro Manila raw ito magsisimula.
Kung kaya ng Davao City na maging payapa, ay kaya rin aniya sa kamaynilaan.
Tatalima ang NCRPO sa direktiba ni Duterte na kontrolin ang krimen at droga sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan.
Nangako rin siyang lilinisin ang ranggo ng kapulisan sa NCRPO.
Mahigpit aniyang na ipatutupad ang curfew at liquor ban batay sa ordinansa ng bawat lungsod, at makikipagtulungan sila sa barangay sa pagpapatupad ng “Oplan Tokhang” o “Toktok-Hangyo” o pakiusap
Pormal na ring naitalaga sina Chief Supt. Rolando Nana bilang acting deputy regional director of operations; Chief Supt. Eduardo Garado bilang deputy regional director for administration at Sr. Supt. Amando Empiso bilang acting regional chief directorial staff.
Naipwesto na rin ang mga bagong district director ng iba’t ibang lungsod sa NCRPO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
