NEDA tikom pa sa rebisyon sa tax breaks sa e-vehicles

By Jan Escosio March 04, 2024 - 11:01 AM

May panawagan na maalis na ang 30% taripa sa two-wheel e-vehicles. (INQUIRER PHOTO)

Nababahala ang ilang grupo sa sektor ng electric vehicles na hindi makasama sa pina-planong “tax breaks” ang two-wheel electric vehicles.

Sinabi ni mobility advocate at Electric Kick Scooter (EKS) Philippines co-founder at chairman Tim Vargas wala pang nailalabas na detalye ang National Economic and Development Authority (NEDA) ukol sa pag-amyenda sa Executive Order No. 12 hinggil sa tax incentives sa e-vehicles.

Ibinahagi naman ni Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP) President Edmund Araga na hindi sila nakabilang sa mga inimbitahan ng NEDA para sa review sa EO 12.

Aniya nakapagsumite na rin sila ng kanilang mga suhestiyon ngunit wala pa rin tugon ang naturang ahensiya.

Una na rin binanggit ni Ang na nakatakda para sa mandatory review ang EO 12 at ang posibleng rebisyon ay irerekomenda ng NEDA.

Sa naturang kautusan itinakda ang tax incentives ng e-vehicles at spare parts ngunit hindi kabilang ang e-scooters at e-motorcycles, na pinapatungan pa rin ng 30 porsiyentong taripa.

Kayat panawagan ng sektor na isama ang two-wheeled e-vehicles sa may insentibo sa buwis dahil malaking tulong sa isyu sa isinusulong na “green transportation” ang mga ito.

Ayon naman sa Department of Trade and Industry (DTI) ang rekomendasyon ng NEDA ukol sa EO 12 ay isusumite sa Office of the President (OP) para mapag-aralan.

TAGS: e-vehicles, tax incentives, e-vehicles, tax incentives

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.