Good quality local pork sagot sa imported pork – Villar

By Jan Escosio March 04, 2024 - 08:45 AM

Naitala ng Pilipinas ang Guinness Record na 313 pork dishes sa isang pagtitipon kasabay ng paggunita sa National Hog Day. (OSCAV PHOTO)

Umaasa si Senator Cynthia Villar na mababawasan ang paggamit ng imported pork meat ng mga negosyo sa bansa, partikular na ang mga hotel at restaurant.

Ngunit aminado ang namumuno sa Senate Committee on Agriculture na dapat ay de-kalidad ang lokal na karne ng baboy para tangkilikin ng mga negosyante.

Sa mensahe niya sa ginaganap na National Pig Day celebration ng  National Federation of Hog Farmers sa Quezon City, bagamat de-kalidad ang lokal na karne ng baboy dapat ay abot-kaya din ang presyo nito.

Hindi aniya maitatanggi na napakahilig sa baboy ng mga Filipino patunay lamang ang ibat-ibang putahe ng karne ng baboy.

Pagbabahagi niya, sa kada taon, nakakakonsumo ang bawat Filipino ng 15 kilo ng karne ng baboy, 11.6 kilo ng karne ng manok ar tatlong kilo ng karne ng baka.

Binanggit niya na base sa datos mula sa Philippine Statistics Authority hanggang noong nakaraang Setyembre, ang nangungunang “pork producers sa bansa” Calabarzon, Central Luzon, Northern Mindanao, Central Visayas, Davao Region at Zamboanga Peninsula.

Gayunpaman, hindi rin nakaligtas sa African Swine flu (ASF) ang Pilipinas at hanggang noong Nobyembre, ayon naman sa Bureau of Animal Industry (BAI), 11 sa 82 lalawigan sa bansa na lamang ang itinuturing na “ASF-free.”

Mula naman noong 2019, P200 bilyon na ang nawala sa industriya dahil sa lubhang nakakahawang sakit ng baboy.

Kasabay nito, nanawagan si Villar sa gobyerno na tuldukan ang “agricultural smuggling” at bigyan proteksyon ang local hog producers at panawagan din niya na maisabatas na ang  Anti-Agricultural Economic Sabotage Bill.

 

TAGS: pork, smuggling, pork, smuggling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.