Multi-awarded actress Jaclyn Jose pumanaw na, 60

By Jan Escosio March 04, 2024 - 08:02 AM
Namayapa sa edad 60 anyos ang premyadong aktres na si Jaclyn Jose sa edad na 60. Ipinanganak noong Oktubre 21, 1963 at ang tunay na pangalan ay Mary Jane Guck. Sa pahayag ng PPL Entertainment Inc., kahapon sumakabilang buhay ang aktres at wala ng ibinahagi pang detalye hinggil sa pagkamatay ng huli. Humingi na lamang sa publiko ng dasal para sa kaluluwa ng aktres at hayaan ang pamilya Guck at Eigenmann na pribadong magdalamhati at irespeto ang kanilang kasalukuyang pinagdadaanan. Tumanggap na ng ibang ibang parangal ang aktres sa kanyang mga naging pagganap sa ilan sa kanyang pinagbidahan na pelikula at ang pinakamataas ay ang tanghalin siyang Best Actress sa 2016 Cannes Film Festival sa kanyang pagganap sa pelikulang Ma’Rosa.

TAGS: entertainment, showbiz, entertainment, showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.