Duterte, hindi dumalo sa flag raising ceremony sa Malakanyang, Exec. Sec. Medialdea nagsilbi niyang kinatawan

INQUIRER FILE PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER FILE PHOTO/LYN RILLON

Hindi dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang flag raising ceremony sa Malakanyang ngayong umaga.

Sa halip si Executive Secretary Salvador Medialdea ang kumatawan sa kaniya sa seremonya.

Ayon kay Medialdea, noong Sabado ng gabi siya inabisuhan para pangunahan ang flag raising ceremony bilang kinatawan ng pangulo.

Sa kaniyang talumpati, hiniling ni Medialdea sa mga kawani ng Malakanyang na suportahan si Duterte.

Anuman aniya ang personal na opinyon at pananaw ng bawat isa, kinakailangan aniya na suportahan ang bagong pangulo ng bansa.

“I request all of you to extend your solid support regardless of your personal opinions and preferences. He is a good person,” ayon kay Medialdea.
Si Duterte ay nagpalipas ng weekend sa Davao City, pero dumating na umano ito ng Maynila kagabi.

 

 

 

Read more...