9 na pulis nagpositibo sa isinagawang initial drug test
Siyam sa mahigit 2,000 pulis na isinailalim sa drug testing noong Biyernes ang nag-positibo.
Ayon kay PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, noong Biyernes, July 1, 2016 nagsagawa sila ng surprised drug testing sa 2,405 na PNP personnel.
Kabilang sa sinuri ang mga pulis mula sa national headquarters ng PNP, mga regional office at police districts.
Sa nasabing bilang ayon kay Dela Rosa, 2,396 ang nag-negatibo ang urine specimen pero mayroong 9 na nagpositibo.
Sasailalim sa confirmatory tests ang mga nagpositibong resulta at inaasahang tatagal ng 2 hanggang 3 araw bago malaman ang panibagong resulta.
Ayon kay Dela Rosa, nakababahala ang naging resulta dahil paulit-ulit ang kaniyang pagsasabi na “zero tolerance” ang ipatutupad ng PNP sa drugs at pagkatapos ay mayroong pulis na nagpositibo sa droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.