Pulis na nag-amok sa MPD headquarters isasailalim sa inquest

July 04, 2016 - 08:35 AM

PO1 Paul Solaris/ Photo from Aie Balagtas See
PO1 Paul Solaris/ Photo from Aie Balagtas See

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutor’s Office si PO1 Vincent Paul Solaris, ang pulis na nagwala at nagpaputok ng baril sa loob ng Manila Police District Headquarters sa U.N. Ave., Maynila.

Reklamong malicious mischief, alarm and scandal at illegal discharge of firearms ang kakaharapin ng nasabing pulis na nakatalaga sa Station 11 (Binondo) ng Manila Police District (MPD).

Nagpalipas ng magdamag sa detention cell ng MPD ang nasabing pulis at hanggang ngayong umaga ay balisa pa rin ito.

Nag-dirty finger pa si Solaris nang makakita ito ng camera at hindi na rin nakakakilala ng kaniyang mga kasamahang pulis.

Ayon sa ilang mga pulis na nakasama ni Solaris, mabait at wala itong bisyo kaya posibleng matinding problema ang dahilan kung bakit nawala ito sa katinuan.

Kahapon, pumasok ng MPD headquarters ang pulis at pinagsisira ang mga larawan na nasa entrada ng MPD building at nagpapaputok pa ng baril.

Ang nasabing tension ay nagresulta ng lockdown sa MPD headquarters.

Naaresto naman si Solaris makalipas ang ilang oras ng mga tauhan ng SWAT ng MPD.

 


 

TAGS: PO1 Vincent Paul Solaris, PO1 Vincent Paul Solaris

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.