Paggiba sa akin sa socmed, bayad! – Sen. Imee Marcos

Ibinunyag ni Sen. Imee Marcos na may nagbabayad para sa “advertisements” laban sa kanya sa social media. (FILE PHOTO)

Ibinunyag ni Senator Imee Marcos na may “paid advertisements” laban sa kanya sa social media platforms.

Sinabi niya na may katiyakan na ang mga nasa likod ng “paid socmed ads” ay ang mga natatakot mawalan ng mahigit P26 bilyon para sa Ayuda para sa  Kapos ang Kita Program o AKAP.

Pagdidiin niya, ang pondo sa AKAP ay isiningit lamang sa Kamara sa 2024 national budget.

Sabi pa ni Marcos wala itong pinagkaiba sa “paid advertisements” ukol sa pagsusulong ng people’s initiative o PI para amyendahan ang 1987 Constitution.

Apila na lamang din ng senadora na huwag na siyang pag-aksayahan pa ng panahon at pera at aniya makakabuti kung ang ibinabayad para sa “advertisements” ay itulong na lamang sa mga mahihirap.

Sa naglabasan na advertisements, sinabi na hindi na dapat kuwestiyonin ni Marcos ang ang nilalaman ng pambansang pondo ngayon taon dahil kabilang siya sa mga pumirma.

Read more...