Family park sa loob ng Bilibid binuksan

By Jan Escosio February 29, 2024 - 02:56 PM

Si BuCor Dir. Gen. Gregorio Catapang matapos pasinayaan ang parke sa Bilibid Maximum Secyruty Compound. (BUCOR PHOTO)

Makalipas ang apat na buwan, binuksan at pinasinayaan na ang bagong parke sa loob ng Maximum Security Compound ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Pinangunahan ni Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Gen. Gregorio Pio Catapang pagpapasinaya sa parke, kung saan aniya ay maaring makapiling ng mga persons deprived of liberty (PDLs) ang bumibisita nilang mga mahal sa buhay.

Itinayo ang parke sa lugar na unang pinaghinalaan na “mass grave” at tampok dito ang mga gazebo at playground para sa mga bata.

Nabatid na mula sa “recycled materials” ang ginamit sa pagpapatayo ng parke at may ilang indibiduwal din ang nagbigay ng mga donasyon.

“Overall ‘yan ay part ng reformation nila (PDLs). Mas mabilis silang magbabagong buhay at makakalaya kapag makita nila pamilya nila,” ani Catapang.

Mismong si Catapang na rin ang nagpaalala sa naging kaso ng tumakas na bilanggo na si Michael Cataroja noong  nakaraang taon.

“Naalala n’yo ‘yung septic tank? Ito ‘yung septic tank kung saan tayo nag-search kay Cataroja,” sabi pa ni Catapang.

Magugunita na inakala na patay na si Cataroja at sa naturang poso-negro siya unang hinanap at nagkaroon ng pag-alala na ito ay “mass grave” ng mga napapatay na bilanggo.

 

TAGS: Bilibid, persons deprived of liberty (PDLs), Bilibid, persons deprived of liberty (PDLs)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.