Bilang ng mga pamilyang nagugutom, tumaas ayon sa SWS
Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang nagsasabing sila ay nakararanas ng kagutuman.
Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS), mula sa 2.6 million na pamilya sa huling bahagi ng 2015 ay tumaas ito sa 3.1 million sa unang quarter ng 2016.
Ito ay katumbas ng 13.7 percent na hunger rate sa 1st quarter ngayong taon, kumpara sa 11.7 percent lamang noong 4th quarter ng 2015.
Gayunman, ang hunger rate ngayong taon ay mas mababa pa rin naman sa naitalang hunger rate sa unang quarter ng 2015 na umabot sa 13.4 percent.
Sa survey, nasa 2.6 million na pamilya ang nagsabing sila ay nakararanas ng “moderate hunger”, o pagkagutom ng isang beses o madalang pagkagutom sa unang tatlong buwan ng taon.
Habang 481,000 na pamilya naman ang nagsabing sila ay nakararanas ng “severe hunger”, o madalas na pagkagutom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.